©FreeWebNovel
Infinito: Salinlahi-Chapter 75
Chapter 75 - 75
"Amang, mukhang alam ko na ho kung ano ang kinain nila."
Napapikit si Esmeralda nangarii. Dahil ayaw pa rin niyang paniwalaan ang una niyang hula. Ayaw niyang mambentang at naniniwala talaga siyang nagbago na ang tiyahin niya. Ramdam niya ang sensiridad sa bawat slaita at kilos ni Silma. Pero bakit ganito?
Marahas niyang ipinilig ang ulo para alisin ang lahat ng pagdududa sa utak niya at bumuga ng marahas na buntong-hininga.
"Alam mo na?"
"Opo, maaari ko ba muna kayong makausap sa likod." turan niya at saka nilisan ang kubo. Alam niyang sumunod sa kaniya si Ismael at pagdating nila sa ilalim ng puno ng mangga ay nilingon niya ito.
"Amang, may binigay na puto sa akin si Tiya Margarita kahapon, ang sabi niya gawa raw iyon ni Tiya Silma na pinapabigay sa akin. Tinanggap ko iyon at pagdating namin rito, saktong tanghalian. Iyon ang huling kinain ni Maria at Mang Pedro, sila nga lang ang nakaubos dahil sobrang sarap daw." Kuwento ni Esmeralda, natahimik naman si Ismael at nagtaka.
"Pero anak, hindi naman siguro magagawa ng tiya Silma mo iyon. Hayaan mo at ako na ang kokompronta sa kaniya. Huwag mo na muna itong ipagsasabi dahil baka balingan ng mga tao ang tiyahin mo, mahirap na, hindi pa tayo sigurado."
"Kaya nga po kinausap ko kayo rito. May mali talaga sa mga nangyayari ngayon amang, pakiramdam ko napakalapit lang ng kalaban sa atin. PEro bakit ganito, ganoon ba siya kalakas para hindi siya namin maramdaman ni Liyab. Kasama ko si Liyab nang tanggapin ko ang puto at walang babala si Liyab sa akin. Pagdating naman rito, katabi ni Dodong si Maria at wala rin siyang naramdaman. hindi ho ba't nakapagtataka?" naiinis na wika ni Esmeralda. Hindi nagsalita si Ismael, bagkus ay hinawakan niya ang kamay ng dalaga.
"Mas maigi kung mag-iingat muna tayo, sa ngayon, maging alerto ka sa mga nakakasalamuha niyo. Kahit malapit o matagal ng kakilala. Huwag ka munang magtitiwala. Suriin niyo ang lahat ng bigay at maging mas mapagmatyag pa kayo." Umiling si Ismael at saka tumingin sa puno.
"Mukhang pinaglalaruan tayo ng mga kalaban." Dugtong pa niya sabay buntong-hininga.
Pagbalik nila sa kubo ay ganoon pa rin amg sitwasyon. Umiiyak si Mang Efren habang nakatunghay sa walang malay niyang apo.
"Mang Efren, huminahon ho muna kayo, ililigtas natin si Maria, walang mangyayaring masama sa kaniya." Hindi mapigilang wika ni Esmeralda. Agad naman siyang pinigilan ni Ismael at umiling ang lalaki.
"Hindi ito amg oras para sabihin mo ang bagay na iyan, wala pang kasiguruhan kayaas maigi kung magiging handa siya sa lahat ng posibilidad."
Naiintindihan naman iyon ni Esmeralda pero hindi niya maiwasan ang hindi maawa at masaktan. Isa pa, kasalanan niya rin kung bakit nangyari ito. Hindi siya naging alerto sa kalaban. Kung sana ay hindi na lamang niya inihalo sa mga pagkain ang putong iyon. Wala na sanang nadamay na inosente.
Tila naliwanagan naman si Esmeralda sa isiping iyon. Siya at si Liyab ang punterya ng kalaban. Kung nakain man nila ang puto ay siguradong sila ang nakaratay ngayon. Hindi sana si Maria at Mang Pedro. Naikuyom ni Esmeralda ang kamay dahil sa napagtanto. Pakiramdam niya ay naisahan sila ng kalaban at matinding dagok iyon para sa tulad niyang manunugis.
Updat𝓮d fr𝙤m ƒгeeweɓn૦vel.com.
Umaga pa lamang ay abala na sila, si Ismael sa paglapat ng lunas sa dalawa niyang pasyente upang matauhan ang mga ito. Sina Haraya at Harani para makipag-ugnayan sa mga gabay at humingi ng patnubay sa mga ito at payo para maaaring ikalunas ng sakit ng dalawa. Sina Esmeralda at Dodong sa paghagilap ng mga halamang gamot na kailangan ni Ismael.
Wala silang nagawa kun'di ang pumanhik sa bundok at tunguhin ang dati nilang tirahan para doon manguha.
"Marami ba tayong kukunin ate?" Tanong ni Dodong habang tinatahak nila ang landas paakyat sa bundok.
"Oo, marami. Kailangan nating mag-imbak ngnhalamang gamot. Lahat ng klase, dahil hindi natin alam ang mangyayari. At Dodong, samahan mo na rin ako sa kuweba, kailangan kong makasiguro na nasa ayos pa rin ang selyo sa kuweba." Pumulot si Esmeralda ng patpat sa lupa at hinagis iyon sa isang parte ng daraanan nila. Isang matinis na tunog ang agad nilang narinig na nagpa-alerto naman kay Dodong.
"Huwag kang mag-alala, isang laman-lupa lamang iyon na mahilig mangulit kapag umaakyat ako. Bilisan na natin para makababa agad tayo."
Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Pagdating naman nila ay agad na sumalubong sa kanila si Lola Salya, animo'y inaasahan talaga nito ang pagdating nila.
"Alam kong darating kayo, isang pangitain ang dumalaw sa akin kagabi. Nagkakagulo ngayon sa patag, Esme, bakit hinayaan niyong makalapit sa inyo ang kalaban?" Bungad sa kanila ng matanda.
Inakay siya nito papasok mg kubo at doon nagpatuloy. "Esme, napakalapit niya sa inyo at nararamdaman ko ang pagkilos niya laban sa pamilya mo. Hindi lang sa inyo, nanganganib rin ang buong baryo dahil dahan-dahan na nilang sinasakop ang baryo niyo nang hindi niyo pa nalalaman."
"Lola Salya, paano po namin malalaman? Kahit si Liyab ay hindi maramdaman ang kalaban. May hinala ako, pero hindi ako sigurado." Naguguluhang wika ni Esmeralda.
"Makipaglaro ka sa kanila. Sundin mo ang binubulong ng puso mo dahil minsan, kung ano ang nakikita mo, siya pang huwad, hayaan mong ituro sa'yo ng puso mo kung alin ang tunay." Makahulugang wika ng matanda.
Hindi nito direktang sinabi ngunit alam niyang ang pinapahiwatig nito ay naaayon rin sa kaniyang kutob. Nagtanguan naman si Dodong at Esmeralda bago nagpaalam sa matanda na mangunguha ng halamang gamot sa hardin.
Matapos manguha ay agad naman silang pinayuhan ni Lola Salya sa mga dapat nilang gawin. Mas maigi kung mananatili lamg sa kanilang dalawa at sa mga gabay ang kanilang plano paraaiwasahan ang pagkalat nito.
"Maraming salamat po lola Salya." Wika ni Esmeralda at yumakap na sa matanda.
"Lola, mag-iingat kayo rito, tandaan niyo po sa oras ng kagipitan, bumalik na kayo sa mundo natin, doon ko na po kayo hahanapin. Si Hagnaya na ang bahala sa inyo."
"Ikaw talagang bata ka, ano bamg akala mo sa lola mo, matanda na para maging alalahanin mo pa? Kasama ko pa ang mga gabay ko at sila ang tutilong sa akin. Ang trabaho ni Hagnaya, ang panatilihin kang buhay at ligtas. Tandaan mo, hinihintay ka pa ng iyong ina sa mundong iniwan natin."
Napabusangot naman si Dodong at inis na tiningnan ang matanda. Bagaman ganoon ang reaksyon ng bata, bakas pa rin sa mga mata nito pagmamahal sa kaniyang lola. Matapos ang maikling pagpapaalam ay naglakad na sila patungo sa kuwebang sinasabi ni Esmeralda.
Maliit na kuweba lamang iyon kung tinitingnan sa labas. Ngunit nang pasukin na nila ito ay namangha si Dodong sa lawak nito. Madilim ang kuweba at tanging naging tanglaw nila ày ang kakarampot na liwanag na nagmumula sa bukana.
May makikitid na pasilyo at minsan ay malawak rin. Mabato ngunit walang kahirap-hirap na binabagtas ni Esmeralda ang daan. Tila ba kahit nakapikit ay kabisadong-kabisado na niya ito. Tahimik lang din na nakasunod sa kaniya si Dodong at sa pagkakataong iyon, tanging ang mga yabag nila, mga paghinga ang kanilang naririnig.
Maya-maya pa ay narinig na nila ang pagragasa ng tubig mula sa loob. At ilang hakbang pa, tumambad sa harapan ni Dodong ang maliit na talon sa loob ng kuweba. May liwanag na nagmumula sa taas at may ilog na nakarugtong sa talon patungo sa kung saan. Malamig rin ang ihip ng hangin at ramdam ni Dodong ang kadalisayan noon.
"Ate, ito ba ang lugar na sinasabi mo?"
"Oo, halika rito." Tawag ni Esmeralda. Lumapit naman agad si Dodong sa kinatatayuan ng dalaga at mula roon, nasilayan niya ang mga batong nakalubog sa tubig. Iba-iba ang hugis ng mga batong iyon, bagaman lahat ay kulay itim, iba-iba ang presensyang nararamdaman nila roon.
"Mga mutya ng aswang? Ang dami naman niyan, ate!" Bulalas ni Dodong. Nanlalaki ang mga mata niyang nakatingin sa mga bato. Gulat na gulat at hindi makapaniwala.
"Simula nang matutunan ko ang mangaso, araw-araw akong nanunugis ng mga aswang at bawat mutyang nakukuha ko sa kanila, dito ko dinadala. Hindi ko man sila masira at mahalaga ay hindi sila kayang kunin ng kahit anong nilalang na nagnanais ng kasamaan.
"Hindi ito mapapasok ng kahit anong nilalang na wala ang pahintulot ko at ng aking mga gabay. Kaya panatag akong ligtas ang mga ito rito." Paliwanag ni Esmeralda. Mula sa kaniyang bulsa, kinuha niya ang isang bote at binuksan iyon. Mula roon, ilan pang bato ang inihulog niya sa tubig. Pagkatapos ay isang bote naman ang kaniyang binuksan at agad na naamoy ni Dodong ang halimuyak niyon.
Mabilis namang itinapon ni Esmeralda sa tubig ang lamang likido ng bote at humalo roon.
Namamanghang nakatingin naman si Dodong sa nangyayari sa tubig. Nag-iiba-iba kasi ang kulay nito, tila ba nabalot ito ng hiwaga.
"Tapos na tayo rito, tara na Dong, bumalik na tayo sa bahay." Aya ni Esmeralda at tumango naman si Dodong.